source: http://en.wikipedia.org/wiki/File:MRT_Interior.JPG - MRT. ANG PUBLIC TRANSPORTATION KUNG SAAN SAMU'T SARING MUKHA ANG IYONG MAKAKASALUBONG ARAW-ARAW, GABI-GABI. PWEDE RIN ITONG DELATA. TAO NGA LANG ANG LAMAN, HINDI SARDINAS. PWEDE RING LUGAR KUNG SAAN MAKIKITA MO ANG MGA TAO O BAGAY NA HINDI NILUBAYAN ANG IYONG ISIPAN. |
ANG GALING LANG DIBA?
ILANG BUWAN NA NGA BA ANG NAKALIPAS? NUNG ISANG TAON PA NGA YUN EH. JUNE 6, 2011, MONDAY. GENERAL REGISTRATION PARA SA UNANG SEMESTER AT UNANG LAGI KO SA UP DILIMAN. OH DIBS? TANDA KO PA. NAKASAVE YATA YAN SA KALENDARYO NG AKING EVER-RELIABLE CP.
PERO… GAANO BA AKO KASIGURADO NA SYA YUN?
FEBRUARY 11, 2011 – JAVA NIGHT. TUMUGTOG ANG MGA BANDA SA DORMITORYONG AKING TINUTULUYAN. HABANG SUMISIGAW / TUMITILI NAG MGA TAO (AAMININ KO, KASAMA DIN AKO), MAY NAPANSIN AKONG NAKAUPO SA LIKDO NG ROOMMATE KO. NAKASALAMIN, NAKA-PURPLE FORMAL ATTIRE, NAKIKINIG SA EARPHONES NYA. WALA, NAPANSIN KO LANG. NAKASALAMIN EH. PAGKATAPOS KO SYANG DAAN-DAANAN (PROMISE, PURONG PAGDAAN LANG ANG INTENSYON KO, PABALIK-BALIK KASI AKO SA ROOM EH), MAYA-MAYA PUMUNTA SYA SA STAGE. AT OKAY, SYA PALA ANG GITARISTA NG BANDA NILA.
TUMUGTOG NA ANG BANDA NILA. AFTER A FEW SECONDS, NABINGI AKO SA TILIAN NG MGA KATABI KO.
KATABI: (OKAY, NON-VERBATIM TO. PERO IKO-QUOTE KO PARIN) “OMG, ANG HOT NUNG GITARISTA TUMUGTOG NG GITARA!”
ROOMMATE: “GRABE, ANG GWAPO NUNG NAKAPURPLE! (PAG NATUGTOG)”
<INSERT *SCREAMS* SA DALAWANG DIALOGUE>
AT NAGPATULOY ANG SIGAWAN / TILIAN. PERO HINDI NA AKO KASAMA DUN. NAHIYA AKO EH. OO, NAHIYA AKO. GANUN TALAGA. HANGGANG MAMAYA, KINAUSAP AKO NG ROOMMATE KO.
ROOMMATE: (NON-VERBATIM ULIT TO) “<INSERT PANGALAN KO>, ALAM MO, KAHAWIG NYA SI <INSERT RANDOM NAME HERE>.”
AKO: “DI RIN. MAS GWAPO SI <INSERT RANDOM NAME HERE>.”
PAKIALAM KO KUNG MAGKAHAWIG SILA? JOKE LANG.
PERO AAMININ KO, DAHIL DUN KAYA NAPANSIN KO SYA NUNG GABI NA YUN, BUKOD SA NAKASALAMIN SYA. AT YUN DIN ANG DAHILAN KAYA NAG-STALK AKO SA BAND PAGE NILA, AT SYEMPRE, MALAMANG, SA PROFILE NYA. AT DAHIL MAGALING AKO (JOKE LANG. HINDI AKO CONCEITED, JOKE LANG TALAGA YON), NAKAHANAP AKO NG PARAAN NA I-ADD SYA. AT SA SITWASYONG HINDI KO NA ALAM KUNG KAILAN, MAY BIGLANG SUMAGING MALAKING POSIBILIDAD SA ISIP KO.
DIBA, BROWN ANG HAIR NYA SA ISANG PIC? THAT WAS TAKEN AROUND APRIL 2011.
AT MALAKI ANG POSIBILITY NA BROWN PA RIN ANG BUHOK NYA NUNG JUNE 2011.
FLASHBACK: JUNE 6, 2011 – SUMAKAY AKO SA MRT, KASAMA ANG MAMA AT PAPA KO PAPUNTANG UP DILIMAN PARA MAG-ENROLL. TANDA KO PA ANG SUOT KO NON (NACKS. AKO NA MALINAW MEMORY. JOKE. MEMORABLE LANG TALAGA SYA). SKINNY JEANS, YUNG BLUE SANDO-ISH NA CAMP BEVERLY HILLS(?) ANG BRAND (BASTA, ALAM KO SYA), AT YUNG CHALEKO (CHALEKO NGA BA YUN? O.O) NA MAONG. OO, AKO NA WEIRD MANAMIT. BASTA AYUN, SUMAKAY KAMI NG MRT. MAY KATABI AKONG MAG-INA SA KALIWA KO. AT SA TABI NILA, NAROON ANG ISANG LALAKING BROWN ANG BUHOK, MEDYO MESTISO, NAKA BLACK NA LONG SLEEVE AT SLACKS (HOPEFULLY YUN DIN ANG TAWAG KAPAG PANLALAKI). WALANG SALAMIN. PERO NAALALA KO SYA. SABAY KAMING TUMINGIN SA BABY NA KARGA NUNG NANAY, NAGKATINGINAN. AT EWAN KO BA SA UTAK KO, PERO NAALALA KO TALAGA SYA. AT NAULIT LANG. TINGIN SA BABY. SA KANYA. SA BABY. SA KANYA. HANGGANG SA BUMABA ANG MAG-INA, MAY BAKANTE NA. PARANG KATABI KO NA DIN SYA. PERO ALANGAN BA NAMANG UMUSOG AKO SA KANYA, EH KATABI KO ANG PARENTS KO. HINDI KO ALAM KUNG GUSTO NYANG UMUSOG (SORRY, ASSUMING). PERO MAY EPAL NA UMUPO SA GITNA NAMIN. AT NANAHIMIK NA LANG AKO, NAKAUPO, NAKATINGIN SA BINTANA (DAHIL SA REPLEKSYON – ALAM NA). HANGGANG DUMATING SA CUBAO STATION. AT LUMABAS NA SYA. GOODBYE.
AT DAHIL SA KAKAIBANG PANGYAYARING YON NA HINDI KO RIN MAIPALIWANAG KUNG BAKIT, EVERYTIME NA SASAKAY AKO NG MRT, NAPA-PARANOID AKO. AKALA MO, NAGHAHANAP NG POTENTIAL NA MAY DALA NG BOMBA. BAKA ISIPIN MO, ANG WEIRD KO. MARAMI NAMANG GWAPO DYAN. MAGHANAP NA LANG AKO NG BAGO. PARA LANG SA KAALAMAN MO, HINDI AKO ATTRACTED SA GWAPO (WOO, PLASTIC. JOKE LANG). SIGURO, MAPAPATINGIN AKO, PERO HINDI KO SASAYANGIN ANG ATENSYON AT ORAS KO SA KANYA. PERO MALAY KO BA KUNG ANONG MERON DUN SA LALAKING YUN. BAKA GINAYUMA NYA AKO HABANG NAKATINGIN (NGA BA?) SYA SA AKIN. BASTA SIMULA NUNG ARAW NA YUN, HINAHANAP-HANAP KO NA SYA. HANGGANG SA NAREALIZE KO NA MILYON-MILYON ANG SUMASAKAY SA MRT AT TINAMAD NA RIN AKO.
PERO SYEMPRE, HINDI SYA NAALIS SA ISIP KO.
MAY MGA PAGKAKATAON LANG TALAGA NA MAY EEPAL SA ISIP MO. KAGAYA NA LANG NG MGA BADTRIP NA “CRUSH” NA YAN (SANA MAKAISP AKO NG IBANG TERM. MASYADONG GIRLY EH). KAGAYA NA LANG UNG <INSERT RAMDAM NAME HERE> NA YAN. AKALA MO SYA NA. PERO MARI-REALIZE MO NA JOKE LANG PALA SYA. MAHUHULOG KA SA KABANALAN NYA, PERO MALALAMAN MO, MAY BABAE NA RIN PALA SYA.
AT SA PUNTONG NALAMAN MONG MAY IBANG GUSTO NA SYA, SAKA BIGALNG DUMATING ANG MATAGAL MO NANG HINAHANAP. VERY MAGICAL.
HINDI NA BROWN ANG BUHOK NYA. PERO MALAMANG, GANON PA RIN ANG KULAY NG BALAT AT MUKHA NYA. PATI NUNAL NYA. NAKASALAMIN NA SYA NGAYON, PARANG BONUS LANG (SA PART NA TO, I ADMIT. EYEGLASS FETISH AKO. OO NA). GITARISTA PA SYA. AT… ALAM KONG MALAPIT SI SYA SA PINAKAMAMAHAL KO – SI GOD.
HINDI KO ALAM KUNG NAALALA PA NYA AKO SA PAREHONG SITWASYON, SA MRT MAN YAN O SA DROM. HINDI KO ALAM KUNG NAG-EEXIST BA AKO SA MUNDO NYA. BASTA MASAYA NA AKO, DAHIL SA WAKAS, NAHANAP KO NA ANG HINAHANAP KO. SALAMAT SA PANGINOON, MULI NA NAMAN NYANG IPINAKITA KUNG GAANO SYA KAGALING. PERFECT TIMING LANG. PERFECT TO SAVE MY HEART (DRAMA NAMAN NETO. O.O). AT HINDI NA AKO MAG-EEXPECT O MAG-IISIP NG KUNG ANU-ANO. BAHALA NA ANG DIYOS. MAY TIWALA AKO SA KANYA. NAGAWA NGA NYANG MULING PAGKITAIN ANG DALAWANG ESTRANGHERONG MAY SARI-SARILING MUNDO, KAHIT NA AKO LANG ANG NAGHAHANAP SA KANYA.
AT SANA, YUNG NAKAUSAP KO SA PAGE NG BANDA NYO, SYA YUN. SANA SYA YUNG NAG-SUGGEST NA I-ADD KO SYA. KITAKITS NA LANG, KUNG MAGKIKITA PA KAMI. GOODBYE.
HULING PAALALA. HINDI AKO NASIGAW DITO. NASIMULAN KO KASING I-TYPE TO NG ALL CAPS. EH TINAMAD NA AKONG ULITIN. O.O